Friday, July 31, 2026

Tinio, dismayado sa pagpigil sa implementasyon ng wage hike

Ikinadismaya ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang umano’y pagbawi sa wage hike para sa mga manggagawa ng National Capital Region (NCR).

Ayon sa mambabatas, mas lalo lang umanong mahihirapan ang mga manggagawa sa pagsusulong ng legislated wage hike dahil sa Temporary Restraining Order (TRO) na nagpipigil sa implementasyon ng P85 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa NCR.

Sa kabilang banda, mariin ding kinukondena ng grupong Kilusang Mayo Uno ang nasabing pagpapahinto sa implementasyon ng wage hike lalo’t kulang na kulang ang P85 na umento sa sahod ng mga manggagawa, kung ibabase ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, tubig, at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.

Mariing giit ng grupo, hindi luho ang P85 na wage hike at malayong-malayo pa umano ito sa P1, 200 na sahod na hinihingi ng mga mangagagawa sa bansa.

Panawagan ng grupong Kilusang Mayo Uno, ibasura ang nasabing petisyon para sa TRO, at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng ng umento sa sahod.

Facebook Comments