
Ni-relieve sa puwesto ang 13 tauhan ng PNP-Highway Patrol Group-National Capital Region (HPG-NCR) kasunod ng umano’y komprontasyon sa mga personnel ng Bureau of Customs (BOC) habang nagsasagawa ng pagsira sa mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa Bulacan noong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat, isang lehitimong operasyon ang isinasagawa ng BOC sa lugar at napag-alamang nagkamali ng niraid na lugar ang mga nasabing operatiba.
Kabilang sa mga ni-relieve sa puwesto ang kanilang chief na si Col. Joey Tomas Caise.
Ayon kay PNP-HPG Director PBGen. Rommel Batangan, sineseryoso nila ang nasabing ulat at tiniyak na iimbestigahan ang insidente.
Sa ngayon, inilagay ang mga sangkot na personnel ng PNP-HPG sa Human Resource Management and Doctrine Development Division-Personnel Holding and Accounting Section upang bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon.










