
Simula sa Setyembre ay posibleng mailipat sa hapon ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senator Ping Lacson, mas nangingibabaw sa mayorya na gawing umaga ang plenary session habang sa hapon naman ang impeachment trial hanggang gabi upang hindi maputol ang paglilitis.
Para sa senador, mas praktikal ding pagpalitin ang schedule ng sesyon at trial at ito rin ang sentimyento ng mga kasamahan niya sa majority bloc.
Sa panukalang setup, maaaring idaos ang regular session ng Senado mula Lunes hanggang Miyerkules, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, habang ang impeachment trial naman ay magsisimula ng alas-2:30 ng hapon hanggang alas-7:30 ng gabi.
Maaari namang lumagpas pa sa alas-7:30 ng gabi ang trial lalo na kung kinakailangan.
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na pag-uusapan muna sa caucus ng mga senador ang tungkol dito at isasapinal ito ngayong linggo.
Ngayong araw ay magsisimula pa rin ng alas-10 ng umaga ang impeachment trial ni Duterte.










