Monday, August 24, 2026

Mastermind ng “maleta boys” at ni Guteza, dapat imbestigahan at papanagutin

Iginiit ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na dapat imbestigahan at papanagutin kung sino ang mastermind o nasa likod ng “maleta boys” at ni retired Marine Orly Guteza.

Sinabi ito ni Ridon kasunod ng pagbawi ni Guteza at apat sa 18 dating security aides ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co. sa kanilang naunang pahayag.

Kanilang binabawi ang naunang pahayag na nag-deliver sila ng mga maletang may lamang pera sa ilang mambabatas, opisyal ng gobyerno at iba pang personalidad.

Ayon kay Ridon, lumalabas ngayon na kasinungalingan ang alegasyon ni Guteza at ng “maleta boys” kaya dapat habulin at papanagutin ang may pakana ng kanilang ginawa.

Facebook Comments