
Malinaw para kay House Assistant Majority Leader Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Along Adiong na unti-unti ng humihina ang kwento ng paghahatid ng male-maletang pera sa ilang mambabatas, opisyal ng gobyerno, at iba pang mga personalidad.
Sabi ni Adiong, mukhang kinakain na ng kanilang konsensya ang “Maleta Boys” at si Orly Guteza kaya isa-isa na silang bumabaligtad at nagbabawi ng kanilang mga kasinungalingang kwento.
Giit ni Adiong, higit na ngayong nawawalan ng kredibilidad ang mga nauna nilang salasaysay.
Diin ni Adiong, wala naman talagang katotohanan sa kanilang pinagsasabi na hindi rin suportado ng ebidensya.
Facebook Comments










