Saturday, June 6, 2026

Loan sa mga bangko, tumaas ng 11.4% sa buwan ng Abril

Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng 11.4% ng loans sa universal at commercial banks nitong Abril.

Ito ay mula sa 10.7% sa buwan ng Marso kung saan naitala ang mataas na loan demanss mula sa mga negosyante at households.

Ayon sa BSP, ang Outstanding loans sa mga residente ay tumaas ng 11.8% nitong Abril mula sa 11.1% sa buwan ng Marso.

Habang ang loans sa business activities ay tumaas ng 10.7% nitong April, mula sa 9.7% sa buwan nf March.

Partikular na tumaas ang pautang ng mga bangko sa real estate activities (8.1%); electricity, gas, steam, at air-conditioning supply (25.8%).

Facebook Comments