
Ipatatawag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes si dating House Speaker Martin Romualdez, Ombudsman Jesus Crispin Remulla, at higit 20 iba pang personalidad.
Ito’y matapos na magtakda ng pagdinig sa susunod na linggo si Senator Erwin Tulfo na siyang bagong Chairman ng Blue Ribbon Committee (BRC) ng bagong majority bloc.
Sa direktiba ni Tulfo, pinadalhan na ng imbitasyon ang mga sumusunod:
1. Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez
2. Ombudsman Jesus Crispin Remulla
3. NBI Director Atty. Melvin Matibag
Gayundin kasama sa pinahaharap sa ppagdinig ang mga opisyal ng mga ahensya:
4. Department Of Public Works And Highways (DPWH)
5. Department of Justice (DOJ)
6. Department of Budget and Management (DBM)
At pinahaharap muli ang 18 ex-marines na mga dati umanong bagmen at bodyguard ni dating Congressman Zaldy Co at si dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Idinaan naman kay House Speaker Faustino Dy ang imbitasyon para kay Romualdez at inihingi ng permiso sa Sandiganbayan ang pagpapaharap kay Hernandez, na kapwa akusado ni dating Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa kasong plunder.
Sa pagdinig kahapon ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng subcommittee ni Senator Rodante Marcoleta ay humarap ang 18 dating sundalo na dating tauhan ni Co at idiniin ng mga ito si Romualdez at maging si Pangulong Bongbong Marcos.
Pinangalanan din ng mga ito sina:
Representatives
Leila de Lima
Sandro Marcos
Terry Ridon
Gerville Luistro
Paulo Ortega
Joseph Paduano
JJ Suarez
Benny Abante
Zia Adiong
Jose Alvarez
Joel Chua
Janette Garin
Former Representatives
France Castro
Raul Manuel
Stella Quimbo
Arlene Brosas
Dan Fernandez
Ang mga dati at kasalukuyang mambabatas ay itinuturo ring tumanggap ng kickback mula kay Zaldy Co.










