
Hindi lamang mga kritiko ni Vice President Sara Duterte ang gustong malaman ang resulta ng impeachment trial laban sa pangalawang Pangulo.
Ito ang sinabi ni House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro makaraang lumabas na 7 sa 10 Pinoy ang pabor sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, maging ang mga tagasuporta ni VP Sara ay nais ding umusad ang impeachment upang linisin ang mga kinakaharap na alegasyon.
Sinabi pa ng mambabatas na ipinapakita nito ang hangarin ng publiko na magtuloy-tuloy ang impeachment trial at magkaroon ng accountability o pananagutan.
Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, 74% ng mga Pilipino ang pabor na umusad ang impeachment trial, habang 21% ang tutol at 4% ang undecided.
Facebook Comments










