China, nagpaabot na ng kahandaan na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

Nagpaabot na rin ang China ng kanilang kahandaang tumulong sa mga biktima ng lindol sa Luzon.

Ipinaabot din ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang kanyang panalangin at simpatiya sa mga naapektuhan ng lindol.

Kumpiyansa naman ang Chinese ambassador na mabilis na makakabangon ang mga biktima ng lindol sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Bongbong Marcos.


Partikular ang mabilis na panunumbalik ng normal na pamumuhay ng mga residenteng sinalanta ng lindol.

Facebook Comments