
Nagpasalamat si Senator Risa Hontiveros matapos alukin ni Senate President Sherwin Gatchalian ng dagdag na seguridad matapos na makatanggap ng senadora ng mga death threats sa kanyang Facebook account.
Naka-post sa social media account ni Hontiveros ang kanyang pasasalamat kay Gatchalian sa pagtiyak sa kanyang kaligtasan dahil sa mga natanggap na banta sa buhay.
Sinabi naman ni Gatchalian na tinawagan niya si Hontiveros matapos mag-alala lalo’t huli silang dalawa sa nakaranas ng death threats matapos na paimbestigahan noon ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Senado.
Kung kakailanganin aniya ni Hontiveros o ng iba pang senador ng dagdag na seguridad ay maaari silang makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sa Facebook account ni Hontiveros ay may nagkomento na siya ang susunod matapos ang pinatay na vlogger na binisita niya sa burol.
Agad na inireport ng senadora ang threat at pina-take-down ang nakakabahalang komento.










