Tuesday, September 8, 2026

Mga kritiko ng pangulo, dapat nang tumahimik sa gitna ng pag-aresto sa pinsan nitong si dating Speaker Martin Romualdez

Iginiit ni Senator Ping Lacson na dapat nang matahimik ang mga kritiko ni Pangulong Bongbong Marcos na nag-aakusa ng mahinang pamumuno at kawalan ng aksyon sa maanomalyang flood control matapos na maaresto ang kanyang pinsang si dating Speaker Martin Romualdez.

Mababatid na si Romualdez ang itinurong utak ng mga ghost projects ng flood control at sinasabi ring hinatiran ng mga male-maletang kickback ng mga tauhan ni dating Cong. Zaldy Co.

Sinabi ni Lacson na dapat matahimik na ang mga kritiko ng Pangulo sa mga nagiging aksyon nito laban sa maanomalyang proyekto.

Aniya, maging ang Ombudsman ay dapat mabigyan ng papuri at suporta mula sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Lacson, hayaan na gumulong ang paglilitis at mailatag ang mga ebidensya ngayong nahaharap na sa mga kaso sa korte ang dating Speaker.

Naunang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ikinukunsidera na bilang person deprived of liberty si Romualdez matapos isilbi ang warrant dito ng Sandiganbayan habang nasa Cardinal Santos Medical Center.

Facebook Comments