
Inihain ng mga tauhan ng PNP-CIDG, kasama sina PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., at DILG Secretary Remulla ang arrest warrant kay dating House Speaker Martin Romualdez, ngayong gabi, September 7.
Ayon sa ulat ni Remulla, naka-confine si Romualdez dahil sa cardiovascular event at anxiety.
Mariing ipinahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na walang exempted sa batas kasunod ng pagpapatupad ng arrest warrant laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Remulla, hindi makapagtatago sa kaniyang kayamanan si Romualdez at tiniyak na sa tamang panahon ay ililipat ito sa pasilidad ng New Quezon City Jail sa Payatas.
Ayon naman kay CIDG-NCR Chief Col. John Guiagui, bukas ng umaga ay nakatakda ang return of arrest warrant habang nakuhanan na ng larawan na suot ang orange PDL shirt.
Sa kasalukuyan, mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang loob at labas ng silid ni Romualdez habang nananatili rin sa ospital ang kaniyang pamilya.










