Thursday, August 20, 2026

Chinese Embassy, mistulang PR Firm ni Tony Yang —DND Sec. Teodoro

Tinawag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na mistulang PR firm ni Tony Yang at ng iba pang ilegal na aktibidad sa bansa na kinasasangkutan ng kanilang mga kababayan ang Chinese Embassy.

Aniya, mula sa mga pampublikong pahayag ng nasabing embahada nitong mga nakaraang araw, malinaw na kino-cover up o pinagtatakpan nila ang nasabing indibidwal.

Kung saan, nanawagan si Teodoro na dapat kondenahin ito ng publiko .

Aniya, sa lahat ng embahada dito sa bansa ay ngayon lang sila ng nakakita ng ganitong klase ng pagmamalabis.

Ang pahayag na ito ni Teodoro ay kasunod ng pagaakusa ng nasabing embahada na target umano ng operasyon ng Pilipinas ang mga Chinese national.

Nabatid na nasa higit 60 Chinese nationals ang nahuli sa isinagawang operasyon sa Sanjia Steel Corporation noong Mayo sa Misamis Oriental matapos mapagalaman na mayroong radioactive materials ang nasabing steel plant kung saan nauna na ring ibinahagi ni Teodoro na dati itong pagmamay-ari ni Tony Yang.

Facebook Comments