CHR, kinondena ang nangyaring ambush sa Aurora na ikinasawi ng isang dating vice mayor ng kaniyang asawa at driver

39

Mariing kinokondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pananambang sa Aurora na ikinasawi ng dating bise alkalde ng Dipaculao na si Narciso Amansec.

Sa nangyaring ambush, kasamang nasawi ang asawa ni Amansec na si Merlina Amansec at ang kanilang driver na si Leonard Talosa.

Nagpadala na ang CHR ng Quick Response Operation sa lugar para makapag-imbestiga.


Ayon sa CHR, walang puwang sa isang lipunang kumikilala sa karapatang pantao ang ganitong pag-atake sa buhay.

Giit ng komisyon, dapat umanong sama-samang labanan ang ganitong pag-atake sa karapatang pantao upang pigilan ang panunumbalik ng kultura ng karahasan sa bansa.

Facebook Comments