
Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinalawak na healthcare benefits ng PhilHealth sa The Medical City sa Ortigas, Pasig City.
Kasama ni Marcos si PhilHealth President at CEO Dr. Edwin Mercado sa pag-iikot sa urgent at non-urgent care areas ng ospital, gayundin sa mga surgery ward at mother-and-baby-friendly room.
Nakipag-usap din ang pangulo sa ilang pasyente at kanilang mga pamilya tungkol sa naging tulong ng healthcare coverage sa gastusin sa pagpapagamot at pagpapa-ospital.
Kabilang sa mga pinalawak na benepisyo ang maternity care package at outpatient emergency care coverage.
Ayon sa palasyo, bahagi ito ng patuloy na hakbang ng administrasyon upang mapalawak
Facebook Comments










