Tuesday, May 12, 2026

Pagpapalit ng liderato ng Senado, hindi makakapigil sa pag-transmit dito ng articles of impeachment laban kay VP Duterte

Ginagalang ng House of Representatives ang proseso ng Senado sa pagpili ng sarili nilang liderato.

Sinabi ito ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon makaraang palitan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Tito Sotto III bilang Senate President.

Diin ni Ridon, tuloy ang proseso ng pagpapadala ng articles of impeachment sa Senado na siyang gaganap bilang impeachment court.

Ito ay makaraang aprubahan ng 257 mga kongresista ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Matapos ang botohan sa plenaryo ng Kamara kahapon ay inatasan na rin ang House Secretary General na i-transmit sa Senado ang resolusyon at Articles of Impeachment, kasama ang annexes.

Kasunod nito ay bibigyan ng kopya ng committee report ang respondent na si VP Duterte, gayundin ang mga complainants at mga abogado.

Facebook Comments