Nilinaw ni dating Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao na hindi siya uupo bilang bagong Chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang mga kumakalat na ulat tungkol sa umano’y pagkakatalaga sa kanya sa naturang posisyon.
Sa opisyal na anunsyo nito noong Nobyembre 20, sinabi ni Quiambao na hindi siya kukuha ng anumang posisyon sa National Government.
Una nang kumalat ang ulat na pirmado na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment ni Quiambao bilang PCSO Chairman, kapalit ni Felix P. Reyes.
Sa halip, sinabi ni Quiambao na mananatili siyang nakatuon sa Bayambang kasama ang kaniyang asawang si Mayor Niña Jose-Quiambao, partikular sa programang Rebolusyon Laban sa Kahirapan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








