Thursday, September 24, 2026

CITY ENRO NG ALAMINOS, MULING PINARANGALAN NG DA-BFAR REGION I

Muling tumanggap ng Gawad Pasasalamat ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ng Alaminos mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Region I bilang pagkilala sa kontribusyon nito sa pangangalaga at konserbasyon ng yamang pangisdaan at yamang tubig.

Ipinagkaloob ang pagkilala sa City Government of Alaminos bilang pagpapahalaga sa makabuluhang tulong at pakikiisa ng City ENRO sa pagpapatupad at pagsusulong ng mga programa ng DA-BFAR para sa fisheries at aquatic resource conservation sa rehiyon.

Ayon sa pamahalaang lungsod, muling pinatutunayan ng naturang pagkilala ang patuloy nitong commitment sa proteksiyon, pangangalaga at konserbasyon ng mga yamang tubig at pangisdaan.

Mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan sa mga ahensiya ng pambansang pamahalaan upang mapangalagaan ang mga yamang-dagat at iba pang aquatic resources para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Itinuturing naman ng City ENRO ang pagkilalang ito bilang dagdag na inspirasyon upang ipagpatuloy ang mga programa at aktibidad para sa pangangalaga ng kalikasan at likas na yaman ng Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments