Thursday, September 24, 2026

₱105K HALAGANG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM; 57-ANYOS NA SUSPEK ARESTADO SA LAOAG

Arestado ang isang 57-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Laoag City Police Station at mga katuwang na unit sa Barangay 2, Laoag City noong Setyembre 21, 2026.

Sa operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang 15.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard price na ₱105,400.

Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga sa lungsod.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa naarestong suspek.
Ang nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga ay isasailalim sa kaukulang pagsusuri at proseso bilang bahagi ng imbestigasyon at paghahain ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments