Thursday, September 24, 2026

BAGONG PRESYO NG PETROLYO, NAG-UMPISA NGAYON

Nag-umpisa ngayong Setyembre 22, 2026 ang bagong adjustments sa presyo ng mga produktong petrolyo para sa linggong Setyembre 22 hanggang 28, 2026, batay sa inilabas na price update ng Department of Energy (DOE).

Ang naturang pagbabago sa presyo ay bunsod ng galaw ng pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang patuloy na mga kaganapan sa Middle East na nakaaapekto sa global supply at presyo ng petrolyo.

Ngayong araw, ipinatutupad na ng mga kompanya ng langis ang kani-kanilang price adjustments, kaya maaaring magkaiba ang aktuwal na presyo ng gasolina, diesel at iba pang produktong petrolyo depende sa oil company at lokasyon.

Patuloy namang kumikilos ang DOE upang mapalakas ang suplay ng langis sa bansa at mabawasan ang epekto ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado sa mga consumer.

Pinapayuhan ang mga motorista na alamin ang updated fuel prices sa kanilang lugar bago magpakarga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments