Tatlong sanggol mula sa Bayan ng Bayambang ang nabigyan ng pagkakataong sumailalim sa operasyon para sa cleft lip and palate noong Setyembre 16, 2026.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang kambal mula Barangay Apalen at isang sanggol mula Barangay San Gabriel 1st.
Naisakatuparan ang operasyon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Bayambang Public Safety Office (BPSO), katuwang ang Kapampangan Development Foundation, Inc. (KDFI) Cleft Center.
Bago ang operasyon, dumaan ang tatlong sanggol sa serye ng check-up, medical assessment at evaluation sa Dr. Jesus Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga upang matiyak ang kanilang kondisyon at kahandaan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang LGU Bayambang sa KDFI Cleft Center, mga medical professional at iba pang tumulong upang maisakatuparan ang operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











