Muling nagpulong ang community-based monitoring system (cbms) coordinating board ng lgu-bayambang noong hunyo 17, 2026 upang talakayin ang paghahanda para sa 2027 cbms implementation sa pakikipagtulungan sa philippine statistics authority (PSA).
Tinalakay sa pulong ang mga mahahalagang gabay sa implementasyon, malinaw na tungkulin ng bawat miyembro ng board, at pagpapalakas ng koordinasyon para sa mas epektibong pagpapatupad ng programa.
Ipinresenta ng mga kinatawan ng PSA ang mga usaping teknikal tulad ng cbms overview, capacity strengthening activities, resource allocation tool para sa 2027, at iba pang data systems na layong palakasin ang data-driven governance sa bayan.
Layunin ng cbms na mapahusay ang pagbibigay ng tumpak na datos para sa mas episyente at makabuluhang serbisyong pampubliko sa bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








