COA, PERSONAL NA SINURI ANG SMART TVS AT IBA PANG GOVERNMENT ASSETS SA DCNHS

Nagsagawa ng on-site inventory at physical inspection ang Commission on Audit (COA) sa Dagupan City National High School (DCNHS) kung saan personal na sinuri ng audit team ang mga pasilidad at iba pang government-owned resources ng paaralan.

Kabilang sa mga ininspeksyon ang mga bagong Smart TVs, ICT equipment, instructional resources, at iba pang kagamitang binili gamit ang pondo ng pamahalaan.

Mismong inikot ng COA inspection team ang paaralan para aktuwal na maberipika ang kondisyon at functionality ng mga kagamitan.

Isinabay rin ang pagtutugma ng mga ito sa mga property records bilang bahagi ng inventory process.

Ayon sa COA, ang naturang physical inspection ay bahagi ng regular na proseso ng COA para masuri ang kalagayan ng mga school assets na ari-ariang pinondohan ng gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments