Umabot sa tinatayang ₱792,676 ang halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam sa isang buy-bust operation sa Calasiao, Pangasinan nitong Agosto 19, 2026.
Arestado sa operasyon ang isang 46 anyos na lalaki, residente ng Mangaldan, Pangasinan.
Ayon sa Calasiao Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon mula sa koordinasyon ng PDEA Region 1 at batay sa target intelligence.
Nasamsam mula sa suspek ang kabuuang 116.57 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa walong heat-sealed transparent plastic sachet at sinasabing para sa pagbebenta at pag-iingat.
Narekober din ang isang buy-bust money, boodle money, motorsiklo at iba pang ebidensya.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang posible itong maharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Binigyang diin naman ng pulisya ang kanilang patuloy na pagpuksa sa ilegal na droga na itinuturing salot na kinakailangang mawala sa sistema para sa kaayusan at kaligtasan ng lipunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








