Isasagawa ang distribusyon mula August 20 hanggang 27, 2026, sa mga itinakdang lugar sa bawat barangay.
Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na sundin ang nakatalagang petsa, oras at venue para maiwasan ang siksikan at mapanatiling mabilis at organisado ang pamamahagi.
Hinikayat din ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang mga opisyal ng barangay para sa eksaktong iskedyul at iba pang kinakailangang impormasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalagang makiisa ang mga benepisyaryo at sundin ang mga alituntunin upang maayos na maihatid ang tulong sa bawat pamilya sa 21 barangay.
Samanta, sunod-sunod na programa rin ukol sa pamamahagi ng mga libreng pagkain at relief goods ang isinasagawa sa lalawigan lalo na sa mga bayan at lungsod na lubos na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, baha at buhos ng ulan dulot ng Habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










