Coach Guiao, umaasa na makakapaglaro si Jordan Clarkson sa FIBA World Cup

70

Puspusan na ang ginagawa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao para makapaglaro sa 2019 FIBA World Cup sa China si Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson.

Ayon kay coach Guiao, malaki ang tiyansang pahihintulutan lalo pa at off season na ang NBA sa panahong magsisimula ang FIBA World Cup sa Agosto 31 ngayon taon.

Alam ni coach Guiao na kagustuhan ng 26 na taon gulang na si Clarkson na makapaglaro para sa Pilipinas.

Sa ngayon, sinabi rin ni coach Guiao na puspusan na ang ginagawa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) upang makumbinsi ang FIBA na tanggapin si Clarkson bilang isang Filipino citizen.

Sa pamantayan ng FIBA, dapat mayroong pasaporte ang isang manlalaro bago tumuntong sa edad na 16 subalit si Clarkson ay mayroon nang Philippine passport noong siya ay 12 taong gulang pa lamang para maituring bilang isang local player.

Facebook Comments