
Nanawagan si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa taumbayan na ipanalangin ang mga senador na magsisilbing hukom sa impeachment court.
Ayon kay Abante, kailangang ipagdasal na gabayan ang mga senador ng karunungan, pagiging patas at integridad upang hindi manaig sa kanilang pagpapasya ang politika at udyok ng iba’t ibang kampo
Diin ni Abante, mahalagang pairalin ng mga senator-judge ang kanilang konsensya at pagpanig sa mga ebidensya.
Katwiran ni Abante, ngayong inaprubahan ng 257 mga kongresista ang impeachment kay VP Duterte ay nalalapit na tayo sa impeachment trial kung saan mas dapat bigyang bigat ng mga senador judge ang kanilang konsensya, tungkulin at kinabukasan ng bayan.
“I ask our countrymen to pray—not for one side or another to win politically—but for truth to prevail and for our senator-judges to be guided by wisdom, fairness, and integrity. Let us pray that they be swayed by their conscience and be guided by the evidence before them—rather than the political pressure from various camps.” —Abante
Giit ni Abante, ang impeachment ay hindi dapat gawing laro ng pulitika dahil ito ay isang proseso na nakabatay sa Konstitusyon at anumang magiging resulta ay makakaapekto sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.










