Inilagay na sa Code White Alert ang lahat ng ospital at iba pang pasilidad pangkalusugan sa Region 1 simula kahapon, Agosto 3, 2026, bilang paghahanda sa mga posibleng epekto ng Tropical Depression Luis.
Ayon sa Department of Health–Ilocos Center for Health Development (DOH-Ilocos CHD), pagtitiyak ito sa kahandaan ng mga ospital at health facilities sa pagtugon sa anumang insidenteng may kaugnayan sa kalusugan na maaaring idulot ng sama ng panahon.
Mahigpit ding babantayan ng Ilocos CHD ang mga health-related events na nangangailangan ng agarang interbensiyon.
Patuloy rin itong makikipag-ugnayan sa mga regional at local health facilities upang matiyak ang maayos, magkakaugnay, at episyenteng emergency response sa buong rehiyon.
Samantala, pinaaalalahanan ang publiko na agad makipag-ugnayan sa Ilocos CHD Operations Center (OpCen) para sa mga emergency na may kaugnayan sa kalusugan.
Hinikayat din ng DOH ang publiko na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, at unahin ang kaligtasan habang patuloy na binabantayan ang galaw ng Tropical Depression Luis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments