Batay sa ulat ng PRO 1, kabuuang 195 indibidwal ang naaresto sa 164 anti-illegal drug operations na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Kabilang sa mga nakumpiskang kontrabando ang 781.84 gramo ng shabu, 46,225.07 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, tig-isang gramo ng marijuana stalk at marijuana seeds, 0.63 gramo ng marijuana kush, at 63,000 ganap na tumubong halamang marijuana. Tinatayang may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na ₱23,465,547.04 ang mga nasamsam.
Nagsagawa rin ang PRO 1 ng dalawang marijuana eradication operations na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 40,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 63,000 ganap na tumubong halamang marijuana, na may tinatayang SDP na ₱17.4 milyon.
Iginiit ng PRO 1 na ipagpapatuloy nito ang mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng intelligence-driven operations at mas malapit na koordinasyon sa mga partner agency at komunidad upang hindi makalusot ang ilegal na droga sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







