FUNERAL HELPER NA DATING NAKULONG SA KASO NG DROGA, MULING ARESTADO SA BINALONAN

‎Muling naaresto ang isang 46 anyos na funeral helper na dati nang nakulong dahil sa kaso ng ilegal na droga matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bued, Binalonan, Pangasinan noong Agosto 17, 2026.
‎‎Ayon sa Binalonan Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba nito sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay Bued.
‎‎Naaresto ang suspek, na residente ng Barangay Poblacion matapos umano ang transaksyon sa buy-bust operation.

‎Nakumpiska mula sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money at isang itim na motorsiklo.

‎Nasa kustodiya ngayon ng Binalonan MPS ang suspek at inihahanda ang kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

‎Muling hinikayat ng pulisya ang publiko na agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad bilang suporta sa kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments