COMELEC, 80% nang handa sa pagdaraos ng BSK Elections

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na 80% nang handa ang poll body sa pagdaraos ng Barangay at SK (BSK) Elections.

Ayon kay Garcia, sa ngayon ay all out na sila sa paghahanda sa naturang halalan.

Sinabi ni Garcia na hindi nila iniisip ang posibilidad na ma-postpone ito.


Aniya, sa mga susunod na araw ay ilalabas na nila ang mga panuntunan sa naturang halalan.

Una rito, inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang pagpapaliban sa BSK Elections sa Dec. 4, 2023, mula sa Dec. 5, 2022.

Facebook Comments