
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang lalaki sa isinagawang check point operation sa Brgy. Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya.
Nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek matapos ang pagharang ng mga ito sa isang truck na nagbabyahe ng nasa 3,000 board feet ng iba’t ibang tabla ng Narra.
Kung saan ito ay tinatayang nagkakahalaga ng nasa P1.5 million.
Nahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.
Sa ngayon sila ay nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Facebook Comments










