COMELEC, nagbabala sa publiko na gumagamit ng kanilang pangalan at logo

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko kaugnay sa kumakalat sa online na gumagamit ng kanilang pangalan at logo.

Ito’y upang mag-hire ng mga poll watcher at machine operator para sa May 12, 2025.

Ayon sa COMELEC, ‘fake news’ ang graphics na kumakalat ngayon sa social media at walang opisyal na anunsyo mula sa poll body.

Hinihikayat ng COMELEC ang publiko na huwag tangkilikin ang mga ganitong uri ng mga pekeng anunsyo at huwag na rin ipakalat pa.

Payo pa ng Comelec, maiging sa opisyal na anunsyo at pahayag lamang ng kanilang ahensiya ang abangan at pakinggan.

Facebook Comments