Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection and Group (CIDG) sa isinagawang anti-paihi operation ang mahigit anim na milyong pisong halaga ng produktong petrolyo sa Barangay Santa Ana, Tubay, Agusan Del Sur.

Naaresto sa isinagawang operasyon sina alyas “Ando,” at “Bote” ang driver at helper na naaktuhang nagsasagawa ng paihi kung saan inililipat sa mga barrel at malilit na container ang laman na petrolyo ng isang tanker truck.

Sa ulat ng pulisya, ang tanker truck ay mula sa Cagayan De Oro City at huminto sa kahabaan ng kalsada ng Tubay, Agusan Del Norte kung saan isinagawa ang nasabing pagpapaihi nang walang permiso mula sa mga awtoridad.

Sa ngayon nahaharap sa mga kaukulang kaso ang mga naarestong indibidwal.

Tiniyak naman ng CIDG na patuloy ang kanilang pagtugis sa mga lumalabag sa batas lalo na sa illegal na pagbebenta ng produktong petrolyo.

Facebook Comments