
Cauayan City – Patuloy ang pagbuhos ng pagmamahal at suporta ni Congressman Joseph Salvador Tan para sa mga senior citizen sa ika-apat na distrito ng Isabela.
Sa kanyang pinakabagong programa, namahagi siya ng cash gift na nagkakahalaga ng Php100,000.00 para sa mga centenarian senior citizen mula sa mga bayan ng Jones at San Agustin na nasa edad 100 pataas.
Patuloy ang kanyang adbokasiya na suportahan at kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga nakatatanda sa komunidad.
Bukod sa pinansyal na ayuda, binibigyang-halaga rin ni Congressman Tan ang kapakanan at kalusugan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at serbisyong pangkalusugan.
Patuloy siyang maghahatid ng tulong sa buong Distrito Kwatro upang masigurong maayos at komportable ang buhay ng bawat nakatatanda.