
Cauayan City – Nagpakitang-gilas ang mga MSMEs ng Cagayan Valley matapos makapagtala ng ₱2.9 milyong na benta sa Bagong Pilipinas National Food Fair 2026 na ginanap sa SM Megamall.
Lumahok sa naturnag trade fair ang 20 MSMEs tampok ang iba’t ibang produkto gaya ng delicacies, processed at value-added food products, innovative snacks, locally crafted beverages, fresh agricultural produce, at handcrafted items.
Bukod sa direktang benta, nakapagtala rin ang mga kalahok ng booked orders at nakapagtatag ng koneksyon sa mga institutional buyers at distributors.
Nakatulong din ang aktibidad sa pagkuha ng mahahalagang puna hinggil sa produkto at packaging na magagamit sa pagpapahusay ng kanilang negosyo.
Tiniyak ng Department of Trade and Industry Region 2 ang patuloy na suporta sa MSMEs sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa pagpapaunlad ng produkto at pagpapalawak ng merkado.
Inaasahang mas magiging aktibo pa ang mga negosyante sa mga susunod na trade fairs upang higit pang mapalakas ang presensya ng Cagayan Valley sa pambansang pamilihan.










