Patuloy ang mga proyekto sa mga pampublikong paaralan sa San Nicolas na layuning gawing moderno, ligtas at maayos ang mga pasilidad para sa mga mag-aaral.
Kamakailan, isang proyekto sa Sta. Maria Elementary School ang muling naisakatuparan matapos ang konstruksyon ng isang covered pathway o daanang may bubong na may lawak na humigit-kumulang 90 square meters, na pinondohan mula sa Special Education Fund (SEF).
Layunin nitong magbigay ng ligtas at komportableng daanan para sa mga estudyante, guro, at mga bisita, lalo na tuwing tag-ulan at matinding sikat ng araw.
Bukod dito, nagkaroon din ng donasyon na telebisyon sa isang silid-aralan upang makatulong sa mas interaktibo at makabagong paraan ng pagtuturo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naturang inisyatibo ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kapaligiran sa edukasyon upang maging kaaya-aya para sa mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








