Wednesday, April 22, 2026

TATLONG WANTED PERSONS, ARESTADO SA MAGKAKASUNOD NA OPERASYON NG PULISYA SA PANGASINAN

Tatlong indibidwal ang magkakahiwalay na naaresto ng pulisya sa sunod-sunod na operasyon sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan noong Abril 21, 2026.

Unang naaresto bandang tanghali sa Brgy. Bugallon-Posadas St., San Carlos City ang isang 23-anyos na lalaki, helper at residente ng Brgy. Ano sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng San Carlos CPS, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries, na may inirekomendang piyansang ₱12,000.

Sa parehong araw, arestado din ang isang 31-anyos na lalaking construction worker sa Brgy. Dumpay, Basista, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, siya ay may warrant of arrest para sa Less Serious Physical Injuries (RPC Art. 265) at may piyansang ₱6,000.

Pagsapit ng gabi, sa Brgy. Poblacion, Urbiztondo, isang 25-anyos na babae at residente ng Brgy. Poblacion ang huli dahil sa warrant of arrest para sa paglabag sa Sec. 4 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act) kaugnay ng Libel sa ilalim ng Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansang ₱60,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlong akusado para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments