
CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang ika-103rd episode ng Usapang Pangkapayapaan Usapang Pangkaunlaran (UP-UP Cagayan Valley) ng Tactical Operations Groups 2 sa Lungsod ng Cauayan kahapon, ika-7 ng Marso.
Isa sa mga pangunahing punto na binigyang-diin ni Commodore Gary Dale Gimotea ay ang pagpapalakas ng seguridad sa coastal communities.
Ang kanilang info drive ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang tiwala ng mga residente at mangingisda sa kakayahan ng mga awtoridad na protektahan sila, kahit sa mga lugar na tila walang presensya ng batas.
Ang pagsulong ng VHF Communication sa rehiyon ay isang malaking tulong upang mapabuti ang koordinasyon sa pagitan ng mga mangingisda, lokal na pamahalaan, at Coast Guard, lalo na sa mga emerhensiya.
Ang suporta ng mga provincial government para dito ay magandang indikasyon na may pagkakaisa sa pagpapalakas ng maritime security.
Bukod dito, ang pagkakaroon ng all-weather boat o tugboat ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kakayahan ng Coast Guard sa pagtugon sa mga sakuna kahit sa panahon ng malalakas na bagyo—isang malaking pangangailangan sa isang rehiyon na may isa sa pinaka-hamon na karagatan sa bansa.
Ang kanilang pakikiisa rin sa COMELEC checkpoint ay patunay na seryoso ang kanilang hanay sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa nalalapit na halalan.