
Cauayan City – Magaganap ngayong hapon, ika-8 ng Marso ang pagbubukas ng pinaka-inaabangang pagsisimula ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa The Capital Arena, Ilagan City.
Ang MPBL ay isang regional basketball league sa Pilipinas na nagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal at dating professional basketball players mula sa iba’t-ibang bayan, munisipalidad, at lungsod na maipakita ang kanilang kakayahan sa larangan ng basketball.
Ngayong taon, ang Ilagan City Isabela ang magsisilbing host ng nabanggit na Basketball League kung saan kasabay nito ay ang pagpapakilala sa pinakabagong koponan sa MPBL, ang Ilagan Isabela Cowboys.
Magsisilbing head coach si Louie Gonzalez habang kabilang sa koponan sina Philip Manalang, Allen Mina, Guilmer Dela Torre, Mark Dyke, at ang 6-foot-7 na si Dave Ando, kasama ang dating Ateneo Blue Eagles co-captain na si Sean Quitevis.
Kabilang din sa team ang mga homegrown talents tulad nina Aldrin Adorio, Shan Bautista, Efrain Boado, Joeboy Escalambre, at Victor Buraga
Maliban sa kanila, kasama rin sa koponan sina Ryan Reyes, JR Olegario, Joshua Guiab, Allan Santos, Joshua Gallano, Macoy Marcos, Andre Duremdes, Joshua Ramirez, Ryan Arenal, Gabriel Gomez, at Arth Dela Cruz.
Samantala, makakatapat naman ng Ilagan Isabela Cowboys sa unang game ngayong taon ang Sarangani Marlins.