Arestado ang Top 5 Most Wanted Person sa antas ng lalawigan at Top 3 Most Wanted Person sa antas ng munisipyo sa isang intelligence-driven operation na isinagawa sa Bugallon, Pangasinan noong Hunyo 2, 2026.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang akusado na 23-anyos na construction worker at residente ng Brgy. Magtaking, Bugallon.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng tatlong bilang ng kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa bawat kaso.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Binmaley Municipal Police Station ang operasyon katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pangasinan PPO, PIT-RIU 1, at Bugallon Municipal Police Station.
Matapos ang operasyon, dinala ang akusado sa kustodiya ng Binmaley MPS para sa kaukulang dokumentasyon at legal na disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








