ALAMINOS CITY, KINILALA BILANG MOST OUTSTANDING SIU WEEKEND PARTNER SITE

Kinilala ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City, Pangasinan bilang Most Outstanding SIU Weekend Partner Site dahil sa matagumpay nitong mga programang pangkalikasan at kampanya para sa environmental sustainability.

Kabilang sa mga naging batayan ng pagkilala ang pagsasagawa ng Earth Hour activities na nagpalawak ng kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan, underwater at coastal clean-up drives, at mangrove planting initiatives sa lungsod.

Pinuri rin ang aktibong on-ground at online campaign efforts ng lungsod, kabilang ang pamamahagi ng mga tumbler upang hikayatin ang publiko sa mas sustainable na pamumuhay.

Ayon sa mga organizer, naging kapansin-pansin din ang maayos na koordinasyon at mainit na pagtanggap ng lokal na pamahalaan sa mga kinatawan ng programa sa isinagawang mga aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments