Hindi naging hadlang ang pag-ulan upang ipagpatuloy ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, katuwang ang iba’t ibang ahensya at tanggapan, ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga residente sa pamamagitan ng Alaminos Barangay Caravan sa Barangay Pogo.
Layunin ng aktibidad na mailapit sa mga mamamayan ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan at mga katuwang na tanggapan.
Naging tampok din sa aktibidad ang pagbisita ni Binibining Pilipinas International 2025, na nagbahagi ng kanyang mga adbokasiya para sa accessible at universal healthcare, community outreach programs, at pagsusulong ng karapatan ng bawat isa na magkaroon ng legal na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng birth certificate.
Sa kabila ng masamang panahon, nagpatuloy ang serbisyo at pagtutulungan ng pamahalaan at mga katuwang nitong ahensya para sa kapakanan ng mga Alaminian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










