Nanguna ang mga kabataan ng Urdaneta City sa pagsulong ng adbokasiya laban sa paggamit ng vape noong Agosto 15, sa kauna-unahang UNVAPE youth-centered activity ng lungsod.
Ayon sa ulat, nagtipon ang mga in-school at out-of-school youth, youth organizations, paaralan, health professionals at partner agencies.
Highlight sa aktibidad ang ribbon-cutting ng UNVAPE exhibit at ceremonial vape surrender.
Tinalakay din ang epekto ng paninigarilyo at vaping, youth empowerment at mga paraan upang maiwasan ang paggamit ng mga ito.
Nakibahagi sa adbokasiya ang 4-H Club Urdaneta at Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP), kasama ang City Agriculture Office at City Social Welfare and Development Office.
Dumalo rin ang mga opisyal ng LGU Urdaneta, mga doktor mula sa City Health Office at mga kinatawan ng iba’t ibang partner organizations na sumuporta sa programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











