
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – NCR ang isang lalaki na gumagamit ng pangalan ng mga pulis para mangikil sa 4 na Korean nationals.
Ayon kay CIDG-NCR PCol. John Guiagui, walang kaalam-alam ang mga pulis na ginamit ng nasabing suspek ang kanilang mga pangalan para sa gagawin nitong modus.
Aniya, ang modus ay maghihingi ng pera sa mga negosyanteng biktima kapalit ng pag-clear sa kanilang mga kaso na may kaugnayan sa business registration, tax violation at money laundering.
Ayon pa kay Guiagui, hindi lang unang beses ito ginawa ng nasabing suspek sa mga nasabing dayuhan kung saan nakakuha na ito ng 500 thousand pesos at sa pangalawamg pagkakataon ay nangingikil na naman ito ng 600 thousand pesos sa mga ito na agad naman nahuli ng mga awtoridad sa pamamagitan ng isinawang entrapment operation.
Nahaharap ang nasabing suspek sa kasong robbery-extortion at usurpation of authority.










