
Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa mga Pinoy sa Northern Israel kaugnay ng lokasyon ng mga bomb shelter.
Partikular na inabisuhan ng embahada ang mga Pinoy na nakatira sa Kiryat Shmona at mga kalapit na lugar.
Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang Filipino community sa hilagang bahagi ng Israel, na suriin at pag-aralan ang mga link ng lokasyon ng bomb shelters.
Layon nito na mas maging mas handa sila at malaman agad kung saan pupunta sakaling magkaroon ng emergency.
Mahalaga rin anilang magkaroon ng plano para sa mabilis at ligtas na pagpunta sa protected spaces kung kinakailangan.
Facebook Comments










