Contact tracing sa loob ng NBP, patuloy pa rin isinasagawa kahit balik normal na ang sitwasyon sa naturang piitan

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) upang maipasuri ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) at nang hindi na kumalat pa ang naturang virus.

Matatatandaan na nagbalik normal na ang sitwasyon sa maximum-security compound ng NBP matapos magnegatibo na ang ilan sa mga PDL sa loob ng naturang piitan.

Batay sa inilabas na datos mula sa NBP, 39 na PDLs mula sa maximum-security compound ang nag-negatibo na sa COVID-19.


Samantala, may isa rin ang nagnegatibo sa medium security compoung habang isa na lamang ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments