
Nakatanggap ng tig-₱6,000 educational assistance ang 40 estudyanteng dependents ng dating mga rebelde sa Tandaya Hall, Catbalogan City, Samar.
Ang nasabing assistance ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan.
Layon ng nasabing tulong na mabigyan ng dagdag na mapagkukunan ng gastusin sa paaralan at sa pang-araw-araw na pangangailangan, na makakatulong sa mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng kahirapan na kinakaharap ng kanilang mga pamilya.
Hinikayat naman ng 8th Infantry Division ang mas marami pang natitirang miyembro ng Communist Terrorist Group na sangkot sa mga armadong aktibidad na huwag nang gumawa ng karahasan, bumalik na sa kani-kanilang mga pamilya at magbalik-loob sa pamahalaan.










