Friday, August 28, 2026

Container van na nag-viral sa Taguig, hindi bahagi ng Hall of Justice —SC

Nilinaw ng Korte Suprema na hindi parte ng Taguig City Hall of Justice ang mga container van na nag-viral at binatikos sa social media.

Ito ay matapos punahin ng mga netizen ang pasilidad na tinawag pang “horror movie set” dahil sa kondisyon nito.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ginagamit bilang satellite office ng Traffic Management Office ng Taguig City ang mga container van.

Nagkataon lamang din na katabi ito ng Hall of Justice.

Ginawa ng Kataas-taasang Hukuman ang paglilinaw dahil sa hindi magandang lagay ng pasilidad.

Samantala, nanawagan ang SC sa publiko na siguruhin munang nagmumula sa opisyal na sources ang impormasyon bago ito i-share o i-repost lalo na kung may kinalaman sa mga pasilidad ng korte at operasyon ng Hudikatura.

Facebook Comments