Wednesday, August 26, 2026

National launch ng AI-enabled project ligtas na magagamit ng mga learner sa panahon ng sakuna, ilulunsad ng DEPED

Nakatakdang ilunsad mamayang hapon ng Department of Education (DepEd) ang Project LIGTAS+ o ang Learning Institution Geo-hazard Tracking and Assessment for Safety.

Ito ay Artificial Intelligence (AI)-enabled multi-hazard analytics at risk management platform na dinivelop ng DepEd na layuning protektahan ang mga mag-aaral, guro, at komunidad laban sa mga natural na kalamidad.

Gumagamit ito ng satellite imagery at geospatial analytics, flood intelligence data, volcanic activity monitoring, at earthquake impact assessments, AI-powered weather forecasts na aabot hanggang 10 araw.

Pangunahing layunin ng programa na magbigay ng real-time at school-specific risk profiles para sa bawat paaralan at mabawasan ang pagkagambala sa pag-aaral tuwing may sakuna.

Tutulungan din nito ang mga ahensiya sa mabilis na pagtugon at pangmatagalang pagpaplano sa imprastruktura.

Pangungunahan ni Secretary Sonny Angara ang National Launch ng programa sac pamamagitan ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) katuwang ang Education Center for AI Research (ECAIR).

Itatampok sa launching ang live demonstration ng platform at commitment signing sa pagitan ng DepEd at kanilang partner agencies.

Facebook Comments